IFSU, kinilala sa kahusayan sa wika at kultura

Ginawaran ang Ifugao State University (IFSU) ng Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang isang natatanging pagkilala at pagpapamalas ng sigasig ng Unibersidad sa pagpapalaganap at promosyon ng mga gawain at programa ng KWF sa Cultural Center of the Philippines noong Agosto 28, 2018.

Ang pagkilala din ay sumasalamin sa pangunguna at pagiging aktibo ng IFSU sa mga gawaing pangwika at pangkultura sa pamamagitan ng mga talakayan, pakikipag-uganayan sa mga lokal na institusyon, at pagsasagawa ng mga saliksik hinggil sa mga katutubong wika at kultura.

“Ikinagagalak at isang karangalan para sa IFSU na mabigyan ng Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura bilang pagkilala mula sa Komisyon ng Wikang Filipino. Ang pagkilala na ito ay patunay na ang ating pamantasan ay nagsisikap na maging bahagi sa pagpapaunlad ng wika at ang ating mayaman na kultura,” masayang sabi ni University President, Eva Marie Codamon-Dugyon.

Binigyang pagkilala din si Dr. Leudane Lonez, Direktor ng Wika at Kultura ng Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura.#

E.A. Dinamling