Pangwakas na Programa para sa Buwan ng Wika 2017

Ang pagbigay ng mensahe ni Dr. Purificacion G. Delima, Komisyoner, Komisyon sa Wikang Filipino

Ang pangwakas na Programa para sa Buwan ng Wika 2017na may tema: “Filipino Wikang Mapagbago” ay ginanap sa Luis Hora Gymnasium noong ika-31 ng Agosto 2017.

Ito ay dinaluhan ng mga studyante, guro, staff at mga propesor.

Ang panauhing-pandangal ng nasabing aktibidad ay si Dr. Purificacion G. Delima, Komisyoner, Komisyon sa Wikang Filipino.

Pagkatapos ng kanyang talumpati, nagkaroon naman ng iba’t ibang presentasyon ang mga studyante na nag mula sa iba’t ibang kolehiyo ng IFSU tulad ng Kolehiyo ng Kriminolohiya, Turismo, Agrikultura at Home Science at Kompyuter.

Nagkaroon din ng timpalak pang-sosyo-kultural tulad ng Dagliang Talumpati, Extemporaneous Speech, Pagkukwento, Kundiman at Quiz Master.  #

Florida B. Robles

Related Story:  http://ifsu.edu.ph/2017/09/25/happitan-ad-ifsu-2017/